Ilang taon na akong sumasakay ng tren ng LRT. Ilang tao ko na ring nakikita ang nakapaskel na ito sa mga pinto ng tren:
"BAWAL SUMANDA SA PINTO NG TREN, BUKSAN ITO NG WALANG PAHINTULOT O PUMIGIL SA PAGSASARA AT PAGBUBUKAS NITO."
Bilang mga Pinoy at Pinay, dapat alam natin kung kelan ginagamit ang "NG" at "NANG". Naalala ko ang tinuro sa amin noon eh ang "NG" ay tumutukoy sa pagmamay-ari at ang "NANG" ay ginagamit patungkol sa kilos o minsan ay panahon. Kaya dapat yata ang ginamit dito ay "nang walang pahintulot".
O, mali ba ako?
Eto pa:
"MAY KAUKULANG PARUSA SANGAYON SA BATAS."
Ay grabe, halatang-halata na mali ito. Bakit pa ba pinaskel ito? Hindi ba nila napansin? O hindi ba ito natingnan bago nag-"mass production" nito?
Paano natin matuturuan ang mga kabataan ng tamang paggamit ng ating wika, kung makikita naman sa mga pampublikong lugar ang maling-mali na pagkakagamit nito ng mismong isang opisina ng gobyerno?